Di makabayad ng upa, anong dapat gawin?

DEAR Atty.:

Makatwiran po ba sa isang nangungupahan na di makabayad sa upa ng bahay nang kahit ilang buwan? Hindi ba sila pwedeng paalisin ng kasera kung ang katwiran ay wala pa silang pera at wala silang makitang paupahan na malilipatan nila? Sa totoo lang po, ultimo ang Meralco nila ay di nila nakukumpleto ang pagbabayad. Minsan sa halagang P1,500 ay ‘yung P500 lang ang babayaran nila kaya naiipon din. Tama lang bang hayaan silang tumira nang libre? Tama bang sabihan ang kasera na maghintay kayo kung kelan makakabayad dahil wala naman talagang perang ipambabayad? Paano na ang kasera o ang may-ari ng bahay kung ilang buwan hindi makakabayad ang nangungupahan?
Ganoon na lang ba ‘iyon? Makatwiran bang paalisin na lang sila? Paano pag wala silang makikitang malilipatang bahay na paupahan na mura at kung wala silang pera??– Omer Espiritu, 58, Pateros, Metro Manila, …0045

Dear Omer:
Kung meron kayong written Contract of Lease, atin pong pag-aralan kung ano ang mga nakasaad dito.
Kung “verbal” o sa salita na usapan ang inyong kontrata at sa nakaraan ay sila ay nakakabayad, ayon sa berbal na usapan, ito po ay isang lease agreement na “month to month” basis.
Ibig po sabihin, sa bawat isang buwan na nakaraan, ang kontrata ay terminated o natatapos, at pwedeng mapaalis ang mga umuupa sa inyo.
Magbigay kayo ng demand letter sa kanila na sinisingil ninyo ang mga back rental. Bigyan sila ng deadline para lisanin ang property.
Kung matigas pa rin ang ulo, magsampa na ng ejectment case sa Municipal Trial Court ng Pateros. Ang judge ay mag-uutos sa sheriff na kargahin ang mga gamit ng umuupa sa inyo palabas ng rental property. Ang judge lang ang makakakapagbigay ng ganitong klaseng kautusan.
Mag-ingat at iwasan na mag-padlock ng rental property habang may nakatira sa loob dahil ito ay labag sa batas at maaring ikatalo ninyo ng kaso.
Inuulit natin, bawal ang mag-padlock ng rental property kung ang umuupa ay di nakakabayad ng rental. Ang dapat gawin ay humiling ng “order” sa Judge. — Atty.

Dear Atty.:
Ako po si Jheannifer, 28, tubong-Pangasinan po. Gusto ko lang po sanang malaman kung ano po ang pwede kong isampa sa asawa ko na may kinakasama ng iba at matanda pa po sa kanya.
Kasi po pinabayaan niya kami ng anak ko mula nang ipinanganak ko ito, three-years-old na po siya ngayon, pero ilang beses lang siyang nabigyan ng ama. Pwede ko rin po bang sampahan ng kaso ‘yung kinakasama ng asawa ko? Kung magsasampa ako ng kaso, may gagatusin po ba ako? Maraming salamat po. — Jheannifer, …5293

Dear Jheannifer:
Humingi ka ng tulong sa Public Attorney’s Office at magsampa ng demandang Anti-Violence Against Women and Children sa inyong asawa. Isang krimen ang hindi pagbibigay ng “financial support” sa anak. Ito po ay may parusang kulong. — Atty.

Editor: Para sa komento o may nais kayong idulog kay Atty, i-text ang pangalan,edad, lugar at mensa he sa 09178052374 o 09999858606,

Read more...