BOX-OFFICE giants ang makakalaban sa takilya nina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas at Maris Racal na bida sa 2017 MMFF entry ng Regal Entertainment, ang “Haunted Forest.”
Bagong sibol silang mga artista kumpara sa mga sasagupain nilang entry nina Vic Sotto, Vice Ganda at iba pa.
“Para sa akin, it’s already an achievement na nakapasok ‘yung film sa MMFF. Speaking ng kalaban namin, we’re confident that we will reach the Top 3. You see, in every MMFF, there’s a horror movie that’s a hit,” sabi ni Jameson sa grand mediacon ng pelikula.
“Siyempre nakaka-pressure bilang first time kong mag-MMFF. But then, lagi ko sinasabi na proud kami sa ginawa namin. Binigay ko rin ‘yung best so doon pa lang, masaya na ako.
“Ang talagang aim ko is mag-enjoy ang mga manonood. Pasok pa lang sa MMFF malaki na ‘yung karangalan. Hindi naman lahat nakakapasok. Nabigyan kami ng approval.
“Ang laking bagay na ‘yon for me so proud ako at masaya. Sana mag-enjoy ang tao sa movie namin,” saad naman ni Jane.
“I’m very happy nang malaman kong kasama kami but kasama na rin diyan ‘yung pressure. Kasi ang lalaki ng kalaban naming movies.
“But naniniwala kami na may supporters na ang lahat ng movie pag MMFF. Kami lang ang horror kaya I’m pretty sure, maraming manonood,” sey ni Maris.
Ayon naman kay Jon, may malaking chance na pag-usapan at tangkilikin ng tao ang pelikula nila.
“About sa pressure, ako sa sarili ko, hindi ako napi-pressure. Ang makasama lang sa filmfest, panalo na rin kami.
“And naniniwala ako na kung maganda ang pelikula, ang feeling ko, susuportahan talaga ng mga tao,” rason niya.
Ayon naman sa director na si Ian Lorenos, walang naging matigas ang ulo at pasaway sa main cast dahil gaya nila, isa rin siyang millennial.