Naitala sa 11.8 porsyento ang nagsabi na sila ay nakaranas ng gutom (9.6 porsyento ang minsan lamang o mga ilang beses at 2.1 porsyentong madalas o palagi).
Mas mataas ito sa 9.5 porsyento sa survey noong Hunyo (7.9 porsyento na minsan lamang at 1.6 porsyentong madalas).
Sa National Capital Region naitala ang 11.7 porsyentong nakaranas ng gutom bahagyang mas mataas sa 11.3 porsyento sa survey noong Hunyo.
Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 13.8 porsyento malayo sa 8.3 porsyento na naitala sa mas naunang survey. Pareho namang naitala sa 9.7 porsyento ang Visayas (mula sa 8.7 porsyento) at Mindanao (mula sa 11.3 porsyento).
Tanging sa Mindanao lamang bumaba ang bilang ng mga nakaranas ng gutom.
Ginawa ang survey mula Setyembre 23-28 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES