Speed limit sa 4 MM road nais limitahan sa 50 kph

INIHAYAG ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na lilimitahan sa 50 kilometers per hour (kph) ang speed limit sa apat na pangunahing kalsada sa Metro Manila mula sa dating 60 kph.
Ito’y matapos ihayag ng MMDA ang plano nito na bawasan sa 50 kph ang speed limit sa Edsa mula sa kasalukuyang 60 kph sa harap naman ng mga nangyayaring aksidente.
Sa isang press conference sinabi ni MMDA Asst. Gen. Manager Jojo Garcia na ipapatupad ang 50 kph-speed limit Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, C.P. Garcia Avenue (C5) at Roxas Boulevard.

Apektado ang lahat ng sasakyan sa nakatakdang speed limit.

Read more...