Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na natanggap siya ng ulat mula sa isang ospital sa Pampanga na nakatanggap ang bata ng bakuna ng tatlong beses, noong Marso 2016, Oktubre 2016 at Agosto 2017.
“Sinasabi ng Sanofi magbibigay ng proteksyon itong vaccine for more or less 30 months kaso nakita natin ito mga 20 months lang,” sabi ni Duque.
Noong isang linggo, sinuspinde ng gobyerno ang dengue immunization program para sa mga paaralan matapos sabihin ng Sanofi Pasteur na posibleng makaranas ng severe dengue ang indibidwal na binigyan ng dengue vaccine, na hindi pa nagkakaroon ng dengue.
“Nabigyan siya ng proteksyon pero nung nakagat nagkaroon ng symptoms ng dengue. Sabi nila severe dengue with hypertension bradycardia,” sabi ni Duque.
Nakarekober na ang batang naospitl sa JB Lingad Hospital sa Pampanga. Inaalam na ng mga opisyal ang rekord ng bata.
Batang nabakunahan ng Dengvaxia tinamaan ng severe dengue
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...