Alden mas dumami pa ang raket kahit bina-bash

ALDEN RICHARDS

HANGGA’T maaari ay ayaw nang magpaapekto ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa mga bashers.

Mas gusto ng binata na mag-focus na lang sa mga trabahong ibinibigay sa kanya ng GMA 7 at maging thankful sa lahat ng kanyang endorsements na patuloy na nadadagdagan sa kabila ng pamba-bash sa kanya sa social media.

Naniniwala si Alden na hangga’t masipag at dedicated siya sa kanyang work, at marunong magpasalamat sa kanyang supporters, plus his faith sa Diyos, hinding-hindi siya maliligaw ng landas.

In fairness, isa na namang blessing ang dumating sa kanya recently, ang pagkuha sa kanya bilang kauna-unahang celebrity ambassador ng Cookie’s Peanut Butter Company.

Ang Cookie’s Peanut Butter ay isang homemade brand na gawa sa all natural ingredients. Ilan sa mga masasarap nitong variants ay ang flagship products nito gaya ng Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ang Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

Kamakailan ay pumirma na si Alden ng kontrata kasabay ng pag-welcome sa kanya ng top executives ng kumpanya sa pangunguna ni Cookie Yatco at Joy Abalos-Yatco, Presidente at Managing Director ng Cookie’s Peanut Butter Company.

Read more...