Paring pro-DU30

SALITA niya’y pamalo sa maniniil, hininga’y pamatay sa masasama. Katarungan ang kanyang sinturon sa baywang, katotohanan ang pamigkis sa balakang. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Is 11:1-10; Slm 72:1-2, 7-8,12-13,17; Lc 10:21-24) sa unang linggo ng Adbiyento.

Sa wakas ay nakaharap ko ang paring pro-Duterte, sa Misa sa Unang Linggo ng Adbiyento sa Chapel of the Holy Family sa Fairview Terraces, Barangay Pasong Putik, QC. May mga pari ring pro-Digong dahil alam nilang kailangan ang sinturon para sumunod ang matigas ang ulo. Ang tawag sa kanila ng kanilang mga obispo ay “ribildi (bisaya).” Puwidi, dipindi.

Hindi sila katig sa EJK at ang mga father-atty ay humihingi ng ebidensiya. Makasalanan si Digong at ang mga pari kaya pati ang bagong pangulo ng CBCP, kukupkupin ang makasalanan. Naniniwala sila na magbabago si Digong dahil sa kanyang pagtanda ay dadapo ang karamdamang tanging ang awa ng Diyos ang makapapawi.

Tulad ni Obama, galit si Digong sa dilawang si Socrates Buenaventura Villegas at hindi sa lahat ng pari’t obispo. Hindi kayang gibain ni Digong ang simbahang Katolika. Si Digong ang magigiba, ang mamamatay. Ang simbahan ay araw-araw na ginigiba, pero mahigit 2,000 taon na, ito’y nakatayo pa, at marami pa ang itinatayo dahil tinutugunan nito ang conversion, purification at renewal.

Hindi ko sinasabi na durugin sa sisi ni Noynoy Aquino sa kapalpakan ni Sereno sa Supreme Court. Hindi ko sinasabi na matigas ang ulo ni Aquino at iginiit ang paghirang kay Sereno sa pinakamataas na puwesto, gayung may mga tagapayo na kumontra dahil magagaling na mahistrado ang makakatagisan ng di huwes. Ang sinasabi ko ay hindi natutulog ang Diyos at nakamasid lang si Corona.

Kapag napatalsik si Sereno, ipinapakiusap ko na hirangin ni Digong si Japar Dimaampao, Court of Appeals associate justice. Magaling na mahistrado si Dimaampao. Sa sala ni Dimaampao bumagsak ang aming kasong libelo na isinampa ng makapangyarihang opisyal sa rehimeng Aquino. Nataranta ang opisyal nang igiit ni Dimaampao na huwag ibimbin (postpone) ang kaso, kaya nagprisinta ng testigo ang kalaban na di naman nagbabasa ng tabloid para di ma-technical. Talo ang pangit na makapangyarihan.

Bakit nabubulabog ang ilang senador sa pahaging na susuhulan sila para huwag lamang ma-impeach si Sereno? Di ba’t sinuhulan din (o sige na, ang ilan) sila para ma-impeach si Corona? Madali namang sipain si Sereno. Wala siyang SALN. Bakit si Corona, na-impeach sa SALN?

Di nakapagtataka kung hinuhubaran na si Sereno ng kanyang mga kasama sa SC. Mababa ang kanyang grado sa isang antas ng pagsusulit. Mababa rin naman ang grado ni Aquino sa isang antas ng pagsusulit, kaya si Noy ay hinuhubaran din ng sunud-sunod na kaso at mabubulol o sasabit sa cross.

Ginawang banal si D5 dahil tumanggap siya ng rosaryo mula kay Pope Francis. Mali. Ang pahiwatig ng rosaryo ay dasalin ito araw-araw, tulad ng nais ni Maria ng Fatima, para maibsan ang kasalanan. Tatlong uri ang pagdarasal ng rosaryo: sinasambit, meditative at contemplative. Habang nagdarasal, di dapat sumagi sa isipan ang lalaki at iba pang bagay dahil mawawalan ng saysay ang pagrorosaryo.

Si Jovito Palparan lang ang nakaaalam kung paano durugin, o lumayas, ang NPA. Nililitis si Palparan dahil sa pagtatanggol sa demokrasya. Ang mga lugar na may NPA ambuscades ay pinanggalingan na ni Palparan. Noong siya ay nakatalaga riyan, nagtago ang mga extortionists. Ngayong terorista na ang NPA, hulihin din ang mga huwes na pro-NPA.

Matalino man ang matsing, napaglalalangan din. Nang unang nagbanta si Digong kontra narco-politicos, marami ang natakot. Pero, ang takot ay ginawa nilang opportunity at hindi threat, ginawang strenght at hindi weakness. Wala na sa narco-politics ang mga trapo sa North Caloocan at Bulacan. Nakaladlad sa kanilang teritoryo ang mga tarpulina ng “Yes to Federalism!” kahit di nila naintindihan kung anong uri ng shabu ang pederalismo.

Magalit. Maraming dahilan para magalit at minsan, nakabubuti rin ito sa sarili. 32 retraining cops ng Caloocan ang bumagsak sa eksamen. Ilan sa kanila ay itinalaga sa North Caloocan. Sila ang naghasik ng lagim. Ngayon, puwede nang matuwa.

PANALANGIN: Kay rami na nitong mga suliranin. Higit pa ang dami sa buhok sa ulo. Sana’y iligtas mo kami, Panginoon. Awit 39:12-13

MULA sa bayan (0916-5401958): Sana, mag-martial law sa Tacloban-Samar para malipul ang mga NPA. Dito nagtatago ang mga NPA na tumakbo sa operasyon ng army sa Mindanao. ….3871 ng Barangay 18, Ormoc.

Read more...