Ang Probinsyano, MMK, TV Patrol, Wansa numero uno pa rin sa Pinas

CHARO SANTOS

ABS-CBN pa rin ang pinakatinutukang network ng mas maraming Pilipino sa buong bansa nitong nakaraang Nobyembre sa pagtala nito ng average audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi nagpadaig ang Kapamilya network sa bawat parte ng bansa, partikular na sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng average audience share na 37% at sa Metro Manila sa pagkamit nito ng 41%.

Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon na nakakuha ng 44%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54%; at sa Total Mindanao sa pagkamit naman nito ng 49%.

Nananatiling number one sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.1%) ngayong mas tumitindi na ang aksyon dahil nakatakda nang harapin ni Cardo (Coco Martin) ang sama-samang pagsugod ng kanyang mga mortal na kalaban.

Tinutukan din noong Nobyembre ang mga sopresa at rebelasyon sa La Luna Sangre (33.8%) na kamakailan ay pinag-usapan sa social media dahil sa trending na eksena nina Malia (Kathryn Bernardo) at Jacintha (Angel Locsin), na umani ng papuri ng netizens.

Patuloy din ang pamamayagpag ng TV Patrol (33.7%) sa larangan ng pagbabalita at public service at nanatiling pinakapinanood na newcast sa buong bansa. Buong buwan ding hinangaan ang kakaibang talento ng kabataan sa Little Big Shots matapos nitong magkamit ng 30.2%.

Pinagmumulan naman ng aral at inspirasyon ang pinakabagong kwento ng Wansapanataym (29.8%) na “Jasmin’s Flower Powers” na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona. Kinaantigan din ang mga kwento ng totoong buhay ng letter senders ng Maalaala Mo Kaya 25 hosted by Charo Santos na nakuha naman ng 27.1%.

Mas humihigpit naman ang pagkapit ng mga manonood sa Wildflower (25.5%) ngayong tumitindi na rin ang tapatan nina Lily Cruz (Maja Salvador) at Helena Montoya (Zsa Zsa Padilla) na nagpapainit sa gabi ng mga tagasubaybay.

Pasok din sa listahan ang ABS-CBN comedy shows na Home Sweetie Home (25.3%) at Goin’ Bulilit (23.4%) na parehong nagbibigay saya sa mga Kapamilya sa buong bansa.

Samantala, panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks sa buong araw, partikular na sa primetime block, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 51%.

ABS-CBN din ang nanguna sa morning block (6 a.m.-12 noon) at nagkamit ng average audience share na 41%; sa noontime block sa pagrehistro nito ng 47%; at afternoon block sa pagkuha nito ng 42%.

Read more...