Lider ng Piston inaresto

Inaresto ng pulisya si George San Mateo, ang pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide dahil sa panunulsol umano sa mga driver ng pampublikong jeepney na mag-strike.
Si San Mateo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Don Ace Alagar ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43 dahil sa paglabag sa Public Service Law (Commonwealth Act No. 146).
Uunahan sana ni San Mateo ang mga pulis at maglalagak na ng piyansa pero hindi siya nakapasok sa QC MTC. Dinala siya sa istasyon ng pulis sa Kamuning.
Ang kaso ni San Mateo ay bailable offense kaya inaasahan na maglalagak siya ng piyansa pagkatapos na maproseso ng pulisya.

Read more...