Roque kinontra ang pahayag ng Uber na wala nang pag-asa ang trapik sa MM

KINONTRA ng Palasyo ang pahayag ng Uber na wala nang pag-asa ang trapik sa Metro Manila sa susunod na limang taon.

Idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinatanggap ng pamahalaan ang hamon ng Uber matapos nitong sabihin na hindi na gagalaw ang trapik sa National Capital Region (NCR) makalipas ang limang taon.

“Tinatanggap po namin ang paghamon, bagaman yan ang sinasabi  po ng uber ay patutunayan po namin na with the right political will, magkakaroon tayo ng solusyon dito sa traffic,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque kailangan lamang ipasa ang panukala na nagbibigay ng emergency power kay Pangulong Duterte.
“Ang importante po dito, yung hinihingi ng presidente na emergency powers, para mabigyan ng solusyon an gating problema sa trapiko. pag andiyan na po ang emergency powers, asahan nyo po hindi na tayo maghihintay ng limang taon,” giit ni Roque.

Read more...