Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang Davao Occidental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:26 ng umaga. Ang sentro nito ay 242 kilometro sa silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
May lalim itong 127 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Hindi inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershock at pinsala ang pagyanig na ito.
MOST READ
LATEST STORIES