P122M jackpot ng Ultra Lotto bukas

Inaasahang aabot sa P122 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito bukas ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P117.5 milyong jackpot prize noong Linggo.
Hindi nakuha ang winning number combination na 15-40-43-14-47-23.
Noong Setyembre 8 pa walang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumaki na ito.
Huli itong tinamaan noong Setyembre 5 ng tamaan ng dalawang mananaya ang P256.8 milyong jackpot nito.
Dalawa naman ang nanalo ng tig-P280,000 matapos makuha ang lima sa mga numerong lumabas.
Tig-P2,500 naman ang 364 mananaya na nakakuha ng apat na numero samantalang balik ang P20 taya ng 8,630 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...