NANAWAGAN ang Grab Philippines sa mga kostumer nito na magkaroon ng mahabang pasensiya sa pagkuha ng masasakyan sa harap ng inaasahang dami ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.
“Please (be) a bit more patient. And because of the surge function, prices may go up because of the sheer demand,” sanbi ni Cu.
Idinagdag ni Cu na dapat asahan na ng publiko ang mas matagal na paghihintay ng masasakyan, kawalan ng masasakyan at mas mataas na booking rates.
“But of course, Grab will be a responsible TNC (transport network company) and adjust if those prices become exorbitant too long throughout the day,” ayon kay Cu.
Ayon pa kay Cu, inaasahan na tataas ng 30 porsiyento ang mga kostumer ng Grab.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.