Female celebrity kinakarir ang ‘panliligaw’ kay aktor


TYPE na type ng isang kilalang aktres ang male celebrity dahil napakabait at marespetong tao raw sa lahat ng kanyang mga katrabaho.

Kuwento ng aming source, “Si ____ (kilalang aktres) nagpapa-cute kay (aktor) kaso mukhang hindi siya type.”

Magkasama sa movie project na hindi pa ipinalalabas ang dalawa at dahil single naman sila pareho kaya siguro kinakarir ni girl si boy.

Pansamantala naming ipinikit ang aming mga mata bago tipahin ang blind item na ito para imadyinin kung bagay sila. At sa tingin namin, hindi sila compatible.

Marahil ay nasanay na kaming matatangkad ang mga nagiging girlfriend ng kilalang aktor at model type na kabaligtaran naman ng kilalang aktres.

Pero dahil mabait at marespeto rin ang kilalang aktres ay baka magustuhan din siya ng aktor kapag nagsimula na silang mag-promote ng kanilang pelikula.

Sa shooting kasi ay hindi sila masyadong nagkaroon ng bonding moments dahil tulog lagi ang girl dahil nga puyat sa rami ng ginagawa habang busy naman si aktor sa paglalaro sa kanyang cellphone. Balita nga namin ay nami-miss na ng aktres ang aktor.

Da who si kilalang aktor? Mahilig siya sa sports at kumakanta rin. Si aktres naman ay marunong sumayaw at magaling umiyak.

Read more...