Anne: Super happy as Mrs. Erwan Heussaff!


MUKHANG matatagalan pa bago magka-baby sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Mismong ang Showtime host na ang nagsabi na ie-enjoy muna nila ang kanilang married life bago nila pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng anak.

Ayon kay Anne sa panayam ng ABS-CBN News nang tanungin kung ready na ba siyang maging mommy very soon, “Hindi pa. We just got married. Siguro not just yet. We’ll enjoy muna being married.”

Ilang araw lang nagbakasyon si Anne sa Showtime at balik-trabaho na uli siya. Tanong nga ng kanyang social media followers kung na-enjoy ba nila ni Erwan ang honeymoon nila pagkatapos ng kanilang wedding.

Sa ngayon, maligayang-maligaya raw si Anne bilang Mrs. Erwan Heussaff. Hindi raw niya ma-explain ang feeling.

“Yes, very happy. Halata ba? Ha-hahaha! Everything after is falling into place. So much happiness. Walang adjustment talaga.

“If ever, I really just feel it’s my last name that will be changing. If ever anything, it just made me a happier person,” aniya pa.

Ayon sa ilang netizens, kitang-kita naman sa itsura ni Anne na sobrang happy siya ngayon kay Erwan.

Read more...