Napiktyuran sa airport: Tiyan ni Ellen nakaumbok na

ELLEN ADARNA

Marami ang nakakita uli kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa Cebu.

Sa isang video na kumalat sa social media kahapon, nakitang magkasama ang dalawa sa Mactan-Cebu International Airport nitong nakaraang Huwebes. May mga nagsabi na halata na raw ang malaking tiyan ni Ellen.

Sa isang litrato naman na ipinost ng isa pang netizen na nakakita sa magdyowa makikitang medyo may umbok na nga ang tiyan ng sexy actress. May caption ang nasabing photo na: “Baby bump is Real.”

Kamakailan ay kumalat din ang chika na “namanhikan” na si John Lloyd sa parents ni Ellen. Isang video at ilang litrato rin ang kumalat sa social media kung saan makikitang nakikipag-bonding si Lloydie sa mga magulang ni Ellen sa bahay ng mga ito sa Cebu.

Read more...