Kilalang aktor masama ang ugali, pinaplastik lang ang mga reporter

ISA pang blind item. Tungkol naman ito sa aktor na may umeereng serye na pilit na nililihis ang isyu kapag natatanong tungkol sa girlfriend niyang taga-showbiz din.

Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan ang aktor at girlfriend kaya parati siyang natatanong tungkol dito pero pilit na itinatanggi ng una na walang katotohanan ang lahat ng balita dahil okay na okay daw sila.

Pero sumusumpa ang source namin na hindi na nagpapansinan ang dalawa kapag walang ibang taong nakatingin. Pero kapag nakita ng aktor na may taga-media sa paligid ay biglang mababago ang mood niya , magiging super lambing na sa girlfriend niya bagay na umiiwas naman ang dalaga.

Sabi ng aming source, “Marunong lumaro yung guy, may pinagmanahan talaga. Magiliw siya sa press kita mo nga may pa-hug-hug pa siya, pero ang totoo, hindi niya type ang press. Saka binilinan din kasi na dapat lagi siyang sweet para patunayang hindi totoo ang mga naglalabasang balita na suplado siya.”

Si showbiz girlfriend naman ay tahimik, loyal at nami-miss ang naunang boyfriend na may karelasyon na ngayon.

Read more...