Aktor, payatolang aktres hari’t reyna ng kakuriputan pag Pasko


DISYEMBRE na! Ilang tulog at gising na lang ay Pasko na! At kapag ganitong amoy na amoy na ang simoy ng hanging-Pasko ay hindi malilimutan ng mga taga-showbiz ang pinaiiral na kakuriputan ng mga personalidad na walang pagpapahalaga sa kanilang mga kaibigan at katrabaho.

Naalala ng isang miron ang isang young singer-actress na sa ilang taong pagtatrabaho sa isang network, ni minsan ay hindi man lang naglaan ng pag-alala sa mga ito tuwing kapaskuhan ang female personality, deadma lang siya.

“Kung minsan tuloy, e, maiisip mo na baka pinagdadamutan din siya sa bahay nila kaya ganu’n siya kapayat. Wala siyang kalaman-laman, puro buto siya, hindi kaya pinagdadamutan din siya ng lafang sa bahay nila!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Wala siyang pakialam kung anuman ang okasyon! Basta, deadma lang siya, ni kapirasong crackers, hindi man lang niya naalalang regaluhan ang mga katrabaho niya,” natatawang kuwento ng source.

May isang aktor naman na nuno rin nang kakuriputan. Makikita naman ang naging resulta ng kahusayan niya sa paghawak ng pera, maayos ang buhay ng kanyang pamilya, meron pa silang mga negosyo.

“Naku, ang lakas-lakas niyang kumita, di ba? Pero hindi siya bonggacious! Ang kaya lang niyang ipangregalo sa mga friends niya at co-stars, e, polvoron. Mismo! Polvoron nga!

“Pati sa ex niyang actress, e, polvoron din ang ipinangregalo niya at hindi pa niya hinustong isang dosena ‘yun, siyam lang, kaya pinagtatawanan siya ng mga katrabaho niya.

“Ang depensa pa ni ____ (pangalan ng kuripot na aktor), e, imported daw ang mga ginamit na ingredients sa ipinangregalo niyang polvoron. Pang-iinis naman ng ex niya, ‘Wow! Kahit pa saan galing ang mga sinasabi mo, the fact remains na polvoron pa rin ‘yan!’

“Nakakaloka siya, super-kuring talaga ang male personality na ‘yun, kaya tingnan n’yo naman, ang dami-dami nilang pinapasukang business ng wife niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, huling letter ng alphabet ang clue sa name ng lalaking ito, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormanteng napapailing.

Read more...