Tumaya sa Makati wagi ng P41M jackpot

Tumaya sa Makati City ang nanalo ng P41.2 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola kagabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 28-03-23-32-29-02.
Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa AP Reyes Avenue. Siya ang namili ng mga numero at hindi lucky o machine picked.
Nanalo naman ng tig-P46,740 ang 18 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Tig-P680 naman ang tinamaan ng 979 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 17,702 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Read more...