Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.3 lindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang Ilocos Norte ngayong araw.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:59 ng hapon.
    Ang sentro nito ay siyam na kilometro sa silangan ng Pagudpud at may lalim na isang kilometro. Gumalaw ang tectonic plate sa lugar na siyang sanhi ng lindol.
    Naramdaman ang Intensity II sa bayan ng Pasuquin.
    Walang inaasahang aftershock at pinsala ang pagyanig na ito.

Read more...