6 patay kabilang na ang 5 bata sa sunog sa Quiapo

PATAY ang anim na katao, kabilang na ang limang bata matapos sumiklab ang sunog sa Arlegui st. sa Quiapo, Maynila, kagabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) .
Sinabi ni Senior Insp. Eden Alumno ng BFP-San Lazaro na natagpuan ang labi ng mga biktima sa bahay ng isang Ashley Dacu kung saan nagsimula ang sunog.
Kinilala ang tatlo sa mga biktima na sina Jamaica, 2; Jamila, 8; at Jamaila, 9, na pawang mga anak ni Dacu. Mga pamangkin naman ni Dacu ang iba pang biktima na sina Baby Love Sampaco, 10, at Gerald Sampan, 9.
Namatay naman ang ika-anim na biktima na si Michael Ramos, 30, na nagtangkang iligtas ang mga bata. Pamangkin si Ramon ni Dacu.
Sinabi ng BFP volunteer group TXTFirePhilippines na nagsimula ang sunog ganap na alas-7:12 ng gabi at itinaas ang ikalawang alarma ganap na alas-7:42 ng gabi. Idineklarang naapula na ang apoy ganpa na alas-11:30 ng gabi.
Umabot sa 50 bahay ang naapula ng sunog. Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi at kabuuang halaga ng natupok na ari-arian dahil sa sunog.

 

Read more...