Alden balik-Eat Bulaga na matapos madale ng amoebiasis

ALDEN RICHARDS

NAKALABAS na ng hospital last Tuesday si Alden Richards ayon sa GMA Artist Center manager niyang si Daryl. Kaya wala nang dapat ipag-aala ang kanyang fans.

Ayon sa text sa amin ni Daryl, nadale ng amoebiasis ang Pambansang Bae kaya nagpadala sa ospital habang nakasalang sa Eat Bulaga.

Sa isang tweet naman ng father ni Alden, nakasaad ang mensahe na, “Going home. Salamat din po sa mga dasal ninyo.”

Kahapon, nag-report na rin si Alden sa Eat Bulaga, pero sa studio muna siya pinag-host para hindi masyadong ma-stress.

Read more...