Tikman ang ‘Mechado ni Jennylyn Mercado’ sa Sarap Diva

MAY dala-dalang gift of love and laughter ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pagbisita niya sa Sarap Diva ngayong Sabado ng umaga!

Makikisaya at makikipagkulitan si Jennylyn kay Asia’s Songbird Regine Velasquez kasama si Inday Teri at iba pang “kasambahay”. May inihanda ring regalong pampa-good vibes si Songbird para sa lahat ng mga mga Kapuso.

Siyempre, may baon ding putahe si Jen na swak na swak ngayong kapaskuhan, ang “Mechado ni Jennylyn Mercado!”

Makaka-join din nila ang kwelang-kwelang sina Donita Nose at Ate Velma a.k.a DJ Onse!

And of course, nandiyan pa rin ang all-out na kantahan at carolling na sasabayan ng nag-iisang Songbird!

Abangan duin ang special gift na ipapamigay si Jennylyn para sa maswerteng Kapuso TV viewers!

Kantahan, tawanan, kainan at bigayan ng regalo…abangan lahat ‘yan sa isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva ngayong Saturday morning after Maynila sa GMA lang.

Read more...