Hunk actor adik sa hubaran, tukso sa mga beki

PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga becking nagtatrabaho sa showbiz ang isang hunk actor na napaka-teaser. Mahilig siyang mang-imbita para uminit ang libido ng mga becki, sinasadya niya ‘yun, talagang ganu’n siya kahit saan at kahit kailan.

Sa kanilang location shooting ay palaging ganu’n ang hunk actor, puwede naman siyang magbalot ng katawan lalo na kapag malamig ang panahon, pero rumarampa pa rin siyang halos hubad-hubad na.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang makasama namin siya sa shooting sa isang bulubunduking lugar, maaga pa lang, e, puma-pack-up na kami, punumpuno kasi ng fog ang paligid, natatakpan ang mga camera.

“Sobrang lamig, parang nagyeyelo ang paligid, sa isang old house lang kami nakatira. Habang suson-suson na ang suot namin, ang hunk actor namang ‘yun, e, akala mo rumarampa sa isang seashore na sakdal-init!

“Naka-sando lang siya, saka super igsing shots na daig pa ang pekpek shorts ng mga kababaihan, halatadong tini-tease niya ang mga becking production staff.

“Rampa siya nang rampa, sige siya sa kalalakad, habang ang karamihan namang nasa bahay, e, nanginginig na sa sobrang ginaw!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Pero hanggang ganu’n lang naman siya, wala siyang pinagbibigyang becki para sa isang panandaliang kaligayahan, teaser lang talaga siya.

“Gusto lang siguro niyang ipakita kung gaano ka-fit ang katawan niya at kung gaano na kaganda ang na-achieve niyang body sa sobrang kadyi-gym niya. Kapag on location siya, e, nagdadala talaga siya ng mga equipment para tuluy-tuloy pa rin ang pag-eensayo niya.

“Ganu’n siya ka-gym-buff, ipinaglalantaran niya ‘yun, gusto niyang ipagmayabang na napakaganda ng body niya. Ang lalaki ng mga pandesal niya sa braso, abs kung abs talaga ang meron siya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, katunog ng apelyido niya ang sa isang international sportsman na sikat na sikat sa kanyang linya, palo pa more tayo ng bola!” pagtatapos ng aming source.

Read more...