Noche Buena items nagmahal

ISANG buwan bago ang Pasko ay nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang Noche Buena items sa merkado.

Sa Balintawak Market, nadagdagan ng P2 ang presyo ng maliit na lata ng fruit cocktail mula sa dating P75.

Ang presyo naman ng 250-gram na all-purpose cream, isa rin sa mga ingredients ng fruit salad, ay nadagdagan ng P4 mula sa dating presyo na P48.

Hindi nawawala ang fruit salad sa mga inihahanda tuwing Pasko sa maraming tahanang Pinoy.
Ayon naman sa mga vendors, nasa pagitan lamang ng P1 hanggang P2 ang ipinapatong nila sa kada item na kanilang itinitinda.

Read more...