NON-STOP ang pagiging transparent ni Robin Padilla sa mga donasyong natatanggap niya para sa adbokasiya niyang “Tindig Marawi.”
Matapos ilabas ang donasyon nina Piolo Pascual at Joyce Bernal (except for Sharon Cuneta na ayaw nang ibandera pa ang amount ng donation), inilabas muli ni Binoe ang nalikom na pera sa kanyang Instagram.
Sa nakaraang telethon sa ASAP, nakatanggap siya ng P10 million mula sa kumpanya, P1 million mula kay Gabby Lopez, P1.128 million mula sa mga TV executive at P500,000 from other artists.
Nagbigay rin ng management team niyang Vidanes Management ng P51,000 na dapat sana ay gagastusin nila sa kanilang Christmas party. Maging ang dating asawa na si Liezel Sicangco at kapatiran sa Goldcoast Australia ay nagpahatid din ng halagang P39,000.
At least, alam ng donors na mapupunta sa layunin ni Robin sa Marawi ang perang ibinigay nila.