MABUTI na ang pakiramdam ni Alden Richards ayon sa tweet ng GMA Artist Center publicity specialist na si Lendl Fabella kahapon.
“I texted @aldenrichards02 last night and he told me he’s feeling better na. Maraming salamat sa lahat ng nagpray for his speedy recovery,’’ tweet ni Lendl.
Hindi na tinapos ni Alden ang segment sa Eat Bulaga na “Trip Ubusan” the other day dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Ayon sa tweet ni Ruby Rodriguez, food poison ang dahilan kaya nawala sa segment ng Pambasang Bae. Kinailangan niyang magpa-check up agad dahil hindi na niya kinaya ang sakit ng tiyan.
Ibinalita rin ni Ruby sa tweet niya kahapon na okay na ang pakiramdam ni Alden.
MOST READ
LATEST STORIES