XANDER Ford’s mom Merly Arizala, made a plea to her son.
Ayon sa madir ni Xander, she’s clueless kung nasaan ang kanyang anak at nakikiusap siya na umuwi na ito sa bahay nila.
“Xander Ford! Kung saan ka man ngayon tumutuloy at ang sabi mo alam namin kung saan ka pumunta. Hindi namin alam kung saan ka pumunta,” panawagan niya.
“Sana yung mga ginagawa mo, anak, isipin mo naman ang pangako mo sa manager mo. Pumirma ka ng kontrata sa kanya at nangako ka kung may event ka gagawin mo, ‘pag wala kang event uuwi ka sa bahay.”
“Pero anong ginawa mo? Umuwi ka sa bahay, hindi ka bumalik, at hindi [ka] tumupad na gawin mo ang event mo,” she added.
The mom also asked Xander’s friend na ‘wag kunsintihin ang kanyang anak dahil, “Kung ano man ang mangyari kay Marlou at kung hindi yan tumupad sa kanyang pinirmahan sa kanyang manager, kayo ay kasama sa kakasuhan.”
“Ano ang gusto ninyo sa idol ninyo, makulong o makasuhan o babalik siya sa kanyang manager para gawin nya ang kanyang trabaho? At kung gusto ninyo, ibigay ko sa inyo ang duplicate na pinirmahan ng anak ko na kontrata para basahin ninyo,” say pa ng madir ni Xander.
q q q
Puring-puri sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng fans dahil sa kanilang acting sa La Luna Sangre.
“Kathryn Bernardo since you were a kid and turned into a fine dazzling woman, you never fail to amaze me with your acting skills!!! Habang tumatagal, pagaling ka ng pagaling.”
“Intensive fighting scenes paired with ardent facial expression!!! You’re an action star and a dramatgic actor rolled into one @imdanielpadilla.”
“You two always make us proud!!! Ang galing galing n’yo @bernardokath @imdanielpadilla. Sobrang powerful ng mga mata n’yo.”
Not surprisingly, tinalo ng La Luna Sangre ang finale ng show ni Dingdong Dantes.