Panuntunan sa pasuweldo para sa Bonifacio Day

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang panuntunan sa pasuweldo para sa Nobyembre 30, (Huwebes ).

Idineklara ang Araw ni Bonifacio na isang regular na holiday.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 10, series of 2017 bilang pagtalima sa Proclamation No. 269 ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang regular holiday ang Nobyembre 30 bilang pag-alala sa kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Itinatakda ng DOLE na ipatupad ng mga employer ang mga sumusunod na panuntunan sa pasahod para sa Nobyembre 30:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%].

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%].

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho ng lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na tinrabaho).

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang
day-off o restday, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang daily rate at 200 porsiyento ng kanyang arawang sweldo [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200%)];
Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na tinrabaho).

Para sa karagdagang impormasyon para sa mga panuntunan sa pasahod tuwing holiday, maaaring tumawag sa 24/7 DOLE Hotline 1349.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...