‘Hoy, DAIANA MENEZES lumayas ka na nga sa pinas, wag mong paglaruan ang mga pinoy!

NAKAKALOKA naman ang starlet na si Daiana Menezes – binaligtad niya ang lahat ng mga post niya sa Twitter about her being emotionally, sexually and physically abused ng kung sinumang tinutukoy niya which finally ay nalantad na ang asawa pala niyang si Cong. Benjo Benaldo ang pinatutungkulan.

Nu’ng naglabasan ang mga tweet ng napakaingay (literally ha!) na starlet na ito, biglang kambiyo siya after naglabas ng official statement si Cong. Benaldo at inaming kasal na sila sa Las Vegas. Inilagay pa niya si lalaki sa alanganin – kasi nga, nakakaalarma talaga ang mga tweet ng hitad, may domestic violence na involved, may rape at kung anu-ano pang kagagahan.

Pagkatapos magparamdam ng ilang women’s groups and other sectors like DSWD and all, sila pa ang nabuska ng bungangerang starlet na ito. Kaysarap sampalin, di ba? Parang kasalanan pa ngayon ng mga nabanggit na agencies na tulungan siya sa kanyang mga hinaing.

Tapos sasabihin lang niyang hindi siya nanghihingi ng tulong kaninuman – kaya raw siya nag-post ng ganoon to get her husband’s attention na naging busy raw noong nakaraang eleksiyon. Gaga to the highest degree, di ba? Sarap sungalngalin. Ginawa niyang laruan ang buong bansa natin.

Is there a way para mailayo sa paningin natin ang babaeng iyan – i-deport kaya or what? Kasi nga, binulabog niya tayong lahat tapos biglang babaligtad? That’s not fair to each and every Filipino na nag-worry sa mga kalokahan niya. She has to go – wala siyang karapatang paglaruan tayo. Isa siyang threat sa national security. Ha-hahaha!

Kaya sa susunod na maghumiyaw ang babaeng ito, kahit pinagsasaksak na siya ng bread knife sa mukha o sa boobs niya, wala nang magre-react at baka masisi lang kayo. Instead na magpasalamat, nagtararay pa ang bruha. Dapat nga ay magbigay siya ng public apology kay Cong. Benjo Benaldo na kahit paano’y nasira na sa mata ng publiko. Pinalabas niyang salbahe si Cong. Benaldo – siya pala ang tunay na salarin? Baliw-baliwan?!

Read more...