DANIEL bwisit na bwisit sa ‘RELASYON’ nina KARLA ESTRADA at MARK CAGUIOA

Bad trip daw itong si Daniel Padilla sa karelasyon ng kanyang inang si Karla Estrada.  Hindi raw feel ni Daniel ang bagong boyfriend ni Karla na basketball player na si Mark Caguioa. Maging ang iba pa niyang mga kapatid ay hindi rin daw ma-take na may karelasyong mas bata ang ina nilang si Karla.

Naisapatan yata sina Karla at Mark na magkasama sa mall kaya uminit ang chikang magdyowa sila. Since then ay hindi na tumigil ang tsismis sa kanilang dalawa.

Pero meron kaming nabasa sa isang website na nag-deny si Mark na dyowa niya si Karla, “Walang kuwentang intriga” ang sabi niya sa kanyang denial sa kanyang Twitter account.

Sa pagkakaalam namin ay may asawa na itong si Mark kaya nga balitang hiyang-hiya si Karla sa kumakalat na issue sa kanila ng PBA player.

Does this mean na wala talagang relasyon sina Mark at Karla o baka naman itinatago lang nila dahil hindi pa sila handang umamin? Which is which?

Read more...