Pa-concert ng McLisse tagumpay, fans nagwala sa sobrang kilig

NAPUNO  nina Elisse Joson at McCoy de Leon, bida ng The Good Son, ang SM Skydome para sa kanilang album launch-concert last Sunday.

Hindi pa man nag-uumpisa ang launch ay ang haba na ng pila ng fans sa labas nang kami ay dumating sa venue. Inside, well-prepared ang supporters ng dalawa.

Meron silang naglalakihang placards and tarpaulins. Pabonggahan ang lahat ng fan clubs nila headed by McLisse Worldwide PH.

Bago ang concert, merong parlor games for the fans at ang mga nagwagi ay nag-uwi ng regalo mula sa sponsors ng launch.

And when finally Elisse and McCoy came out on stage to sing their first song, nabingi kami sa hiyawan ng audience. Talagang sobrang kilig ang naramdaman nila. It was a totally deafening shrieks that the love team got. Lalo na noong maghawak-kamay sila while singing.

Then, Marlo Mortel came as a first guest performer. After his spot, then came Kristel Fulgar and they did a duet together.

Nagpakitang-gilas din si McCoy sa dance floor together with his brother and their female friend. Nagsayaw din si Elisse together with the G-Force dancers.

Easily, the McLisse pair is the love team to watch out for. Sikat na sikat na talaga sila.

Read more...