Sobrang na-develop na talaga kami ni Sofia sa isa’t isa! – Diego

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

PURING-PURI ng viewers si Diego Loyzaga dahil sa ipinapakita niyang akting sa Kapamilya Gold series na Pusong Ligaw ng ABS-CBN.

Napakalaki na raw kasi ng improvement niya bilang drama actor lalo na sa kanyang role sa Book 2 ng Pusong Ligaw (sa Kapamilya Gold after Showtime) bilang si Potpot na mas kilala na ngayon bilang Ira Policarpio, ang tunay na anak nina Tessa (Beauty Gonzalez) at Caloy (Joem Bascon).

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng binata sa mga manonood at sa buong production ng serye, “I think naman, lahat sila can see na I’m always happy pag nasa work ako. I’m always parang ready, willing to do kung ano yung next scene, next draft ng script.

“I’m just really excited about everything I do with this project. I’m really focused now on what I’m doing, sa taping, sa craft, sa acting, that’s my whole world right now,” anang binata.

Challenging din daw ang karakter niya ngayon bilang si Ira na maraming gustong patunayan sa buhay.

At siyempre, ang muli nilang pagtatagpo ni Vida (Sofia Andres) na ngayon ay nakikipagmabutihan na kay Rafa (Enzo Pineda). “Masaya nga ako na medyo may pagkakontrabida na si Potpot, na may bad factor muna yung character ko. I like it.”

Kumusta naman ang relasyon nila ni Sofia? “Wala na yatang mas iko-close yung relationship namin.

Halos three years na kami together, working together. Of course, sobrang na-develop talaga kami.”

Read more...