Hindi bibitaw ang AlDub Nation kina Alden Richards at Maine Mendoza matapos gulantangin ni Meng ang lahat sa huling ipinost niya sa kanyang blog. Susuporta pa rin daw sila sa mga idolo at patuloy na magdarasal upang matuloy ang pangarap nilang magkatuluyan sa bandang huli.
Kumalat ang mahabang mensage ni Maine para sa AlDub Nation matapos nag-viral sa social media ang pagkikita nila ni Jake Ejercito na lumabas na third wheel sa kanila ni Alden sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.
Dahil possessive ang ADN sa makakapareha o magiging boyfriend ni Meng, hindi ligtas si Jake sa bashing at pagbira sa kanya.
Tumatanaw naman ng utang na loob ang Phenomenal Star sa ADN. Pero siyempre, foul na ‘yung pati personal niyang buhay ay pakialaman nila.
Pagbigyan natin ang hiling ni Maine dahil kung loveteam nila ni Alden ang concern niyo, eh sure namang hindi ‘yon basta-basta sisirain ni Meng. Puwede naman silang maging magkabigan kahit hindi magkatuluyan.
Ipinamalas naman ng pamilya ni Meng ang suporta sa kanya at nakakita rin siya ng kakampi kina Ai Ai delas Alas at Direk Joey Reyes.
Para naman kay Alden, hangga’t maaari ay hindi na siya nagbabasa ng mga comments sa social media, lalo na sa mga bashers. Ipinagdarasal na lang daw niya ang mga ito at ipinagpapasa-Diyos ang mga kanegahan sa socmed.