Alden binigyan ng bonggang b-day surprise ang super fan na nanay

ALDEN RICHARDS

NATUWA ang isang fan ni Alden Richards na si Danee Cruz. Nagbigay kasi ng post birthday treat si Alden sa nanay ni Danee.

“From standee to stan-ding…Dati ang nanay tuwang tuwa na at kinikilig at nawawala ang sumpong ng sakit kapag nakakita ng standee ni alden sa mga malls

“Ngayon may mga standee na ang nanay sa bahay. Salamat sa mga nagbigay. Pero ang pinakamagandang naganap sa araw na ito si Alden standing na in person sa tabi ng nanay ko.

Pinahanap ni Alden ang nanay matapos mapanood ang video at makita ang pictures ng nanay.

“At grabe ang sorpresa ni Alden kay nanay. KANINA LANG NAGANAP ANG KANILANG PAGKIKITA. Nag-date sila sa Concha’s. Belated birthday celebration ng nanay ko na sinagot ni Alden at kanyang mga fans club…Iba ka talaga Alden. Napakabuti ng i-yong puso.

“Dahil sa ginawa mo sa mother ko lagi kita isasama sa mga mass intentions ko. Di namin kayang suklian ang iyong kabutihan. God bless you and your family always.”

That was Danee’s caption sa photo ni Alden kasama ang ina niya. Tuwang-tuwa naman ang fans ni Alden.

“This is why he is so much blessed. Good heart & humble, that’s Alden Richards! God bless! @aldenrichards02. Pag nakakabasa ako ng ganito nagiging emotional ako hindi sayang ang oras na inuukol sa pagtangkilik kay @aldenrichards0.”

“Wow. He really has a good heart.”

Read more...