Vice, Maine nagpasabog ng good vibes sa social media, nakunang magkasama sa resto bar
NAGPASABOG ng good vibes sa social media ang litrato nina Vice Ganda at Maine Mendoza na magkasama na kuha sa isang bar.
Ito ang unang pagkakataon na nakitang together sa isang photo ang Unkabogable Star at Phenomenal Star kaya naman maraming netizens ang natuwa at nag-like sa nasabing Instagram post.
Ayon sa ilang followers nina Maine at Vice, pinatunayan lang ng dalawang sikat na personalidad na wala naman talagang namamagitang tensyon o away sa pagitan nila kahit pa magkalaban ang kanilang respective noontime shows.
Si Vice ay isa sa mga host ng Showtime sa ABS-CBN habang si Maine naman ay nasa Eat Bulaga na napapanood sa GMA 7.
Ang nag-post pala ng litrato nina Meng at Vice sa Instagram ay ang TV host na si JM Rodriguez. Nagkasama-sama sila sa event na ginanap sa isang bar sa Bonifacio Global City.
Ang tanging caption lang na inilagay ni JM sa picture nina Vice at Maine ay, “About last night (heart emoji). @mainedcm @praybeytbenjamin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.