Ayon kay Education Sec. Leonor Briones dapat maging maingat ang sektor ng edukasyon sa pagtanggap ng mga donasyon upang hindi magapi ang vision at agenda ng ahensya.
“Our partnership with the private sector is aimed at fulfilling DepEd’s vision and agenda. We cannot consider as partners those who undermine our efforts to fulfill our agenda, including the promotion of healthy environments in schools through our tobacco control policies,” ani Briones.
Ginawa ni Briones ang pahayag matapos na lumabas ang Tobacco Industry Interference Index Philippine Report 2017 na nagsasabi na hindi bumaba ang Corporate Social Responsibility activities ng industriya ng tabako.
“Accepting gifts, donations, and sponsorships directly and indirectly from the tobacco industry, including those that may be coursed through DepEd stakeholders, partners, or third parties in the guise of corporate social responsibility projects is among the prohibited acts under the Policy and Guidelines on Comprehensive Tobacco Control (DepEd Order 48, s. 2016).
Ang mga lalabag ay mahaharap sa administrative case na Grave o Simple Misconduct.
Ipinaalala rin ni Briones na nasa ilalim ng DO, dapat nakasaad sa Memoranda of Agreement na papasukin ng iba’t ibang sangay ng DepEd at donor na walang interes ang tobacco industry sa gagawing aktibidad.
MOST READ
LATEST STORIES