De Lima binigyan ng rosaryo ni Pope Francis

LEILA DE LIMA

SINABI ng nakadetine na si Sen. Leila de Lima na nakatanggap siya ng magandang rosaryo mula kay Pope Francis tatlong buwan matapos siyang magpadala ng sulat sa Papa kung saan humiling siya ng dasal para sa kanyang sarli at libo-libong biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni de Lima na bukod sa rosaryo, binigyan din siya ng sulat ng Pope Francis na may petsang Nobyembre 22, 2017.
Idinagdag ni de Lima na personal na iniabot sa kanya ang regalo ni Pope Francis ng Philippine National Police (PNP) chaplain.
“I cannot thank Pope Francis enough for his thoughtfulness. I’m deeply, deeply touched by the Pope’s gesture. This gift will constantly remind me that, despite the political persecution I am experiencing right now at the hands of a vengeful President. I should keep the faith and fight tirelessly for the welfare of the Filipino people,” sabi ni de Lima.
Idinagdag ni de Lima na nabasa ng Papa ang kanyang sulat.
“According to the Chaplain, Pope Francis was able to read my letter and assured that he is praying for me,” ayon pa kay de Lima.
Matatandaang bumisita si Pope Francis sa bansa noong Enero 2015.

 

Read more...