BAKIT mo naman gustong magbitiw ang pangulo? Ang sabi mo ay para magkaroon ng level field, sa Pampanga? Halos walang kalaban si GMA sa Pampanga, kaya maaaring walang “level” at wala ring “field.” Isantabi natin ang politika mo, FVR. Kung magbitiw si GMA, manunungkulan ang bise. Sa panahong kabi-kabila ang gulo ng bansa, alam mo namang kaduda-duda ang kakayahan ng bise na maging “hari,” na ang kanyang utos ay di mababali (kung nagkaroon tayo ng bise na mahina, lalo na sa militar, kasalanan yan ng botante). Ang gusto ng komunista (nariyan sila sa lahat ng antas at tanggapan, lalo na sa Kamara, na mismong pinasusuweldo pa ng taumbayan) ay magbitiw si GMA; at matagal na yan. Sumasama ka na ba sa komunista, FVR? Nakatanghod ang komunista sa poder at kapag magkagulo ay baka masungkit nila ito. Sumasama ka na ba sa komunista, FVR? At kapag nagkagulo (di pa tayo nakatitiyak kung matutuloy ang auto polls, dahil marami ang walang alam sa auto), isa ka rin ba, FVR, sa sasama sa pangkat ng militar na kailangang kunin ang poder para maibalik ang kaayusan?
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 120409