Hamon ni Rocco sa netizen: Halika, gumawa tayong dalawa ng eksena!
TILA napikon ang Kapuso hunk actor na si Rocco Nacino sa isang netizen na nagbigay ng komento tungkol sa kanyang pagiging aktor.
Ayon sa Twitter user na si @pixiechic, bilib siya kay Rocco dahil natapos nito ang kanyang Masters Degree sa Nursing ngunit parang minaliit nito ang propesyon ng binata bilang artista.
“So…will you now pursue this field now? Sayang naman yung efforts mo kung hindi…Pa-acting acting na lang pag me tym!” ang tweet ng nasabing netizen.
Ang huling pahayag ng netizen ang hindi nagustuhan ni Rocco kaya talagang sinagot niya ito. Aniya, “Ang ‘pa-acting acting na lang’ na sinasabi nyo po ay di biro din po. It’s a tedious art that is physically, mentally, and emotionally demanding.”
Dugtong pa ng binata, “I challenge you to portray a role and do a scene with me. Para lang po malaman nyo.”
Kamakailan ay nagtapos ng cum laude si Rocco para sa kanyang Master of Arts in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College sa Fairview, Quezon City. Naging registered nurse ang aktor noong 2009 ngunit hindi na niya na-practive ang pagiging nurse dahil pumasok na siya sa mundo ng showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.