Ito’y matapos aprubahan ng local council ang Ordinance No. 25 series of 2017, kaugnay ng pagtataas ng birthday cash gifts ng senior citizen na mga residente ng Taguig.
Mula P1,000 cash gift, tatanggap na ang mga senior citizen na may edad na 60 hanggang 69 ng Taguig ng P3,000; P4,000 naman para sa may edad na 70 hanggang 79; at P5,000 para sa mga may edad na 80 pataas.
“(I want) our second parents to feel that they are part of a city government which includes them as one of its priorities since we understand the medical needs and expenses that come with old age,” sabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano nang tanungin sa naging hakbangin ng lungsod.
Para makakuha ng cash gift, dapat ay limang taon nang residente ang mga senior citizens ng Taguig City at registered voters sa lungsod, dagdag ng PIO.