2 bata patay, 3 pa katao sugatan sa sunog sa Oriental Mindoro

Dalawang batang magkapatid ang nasawi habang tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bansud, Oriental Mindoro, Biyernes ng umaga, ayon sa pulisya.
Ikinasawi nina Robert, 4, at Rose Anne Areglado, 3, ang matinding paso sa katawan, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.
Isinugod naman sina Romano Areglado, Cecilia Areglado, at Ema Areglado, 72, sa ospital sa bayan ng Pinamalayan.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng mga Areglado sa Sitio Sta. Fe, Brgy. Villa Pag-Asa, dakong alas-8:20.
Agad kumalat ang apoy sa kahoy na bahay, at naapula ng mga bumbero ang apoy dakong alas-10.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian. (John Roson)
– end –

Read more...