Karla inuulan ng blessing: Basta tulong lang nang tulong!

NANGAKO ang singer/actress/TV host na si Karla Estrada na magiging simple lang ang selebrasyon ng kanyang ika-43rd na kaarawan ngayong taon.
Kaya bilang pasasalamat ay nagbigay saya si Karla sa isang charity nitong nakaraang Martes ng umaga sa Sacred Heart Center kung saan nagpakain ito ng ilan sa ating mga kababayan at nag-abot pa ng konting tulong.
Halos taon-taon naman, tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan ay ginagawa ito ni Queen Mother bukod pa sa sinusuportahan nilang dalawa ni Daniel Padilla na isa pang charity institution din.
Ganyan kalaki ang puso ni Karla pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kahit nga noong mga panahong walang-wala siya sa buhay, pagtulong pa rin sa buong angkan ang nasa isipan niya.
Kaya hindi nakapagtatakang after years of struggles ay biglang bumuhos ang biyaya kay Karla lalo na sa anak niyang si Daniel. Hindi bumigay si Karla sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Never siyang napagod kundi ipinagpatuloy lang ang buhay at lumaban.
“Simpleng bagay Dom na sa isang paraan ay nakapagbibigay saya tayo sa ating kapwa. Napakaraming biyaya ang dumating sa buhay natin kaya dapat wala tayong reklamo at magpasalamat palagi!” bulalas pa ni Queen Mother.
“Bawal magreklamo. Masaya lang at kung meron mang dumarating minsan na mga problema, kapiranggot nalang yun na hindi dapat iniinda kundi magpasalamat nalang.
“Wala naman akong ibang hiling pa, every birthday ko naman, ayan, nasa labas, nagsi-share tayo ng biyaya sa kapwa natin. Kilala mo naman ang sinusuportahan natin Lola, buong angkan! So, good health lang, happy lang!” lahad pa ni Karla.
Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ang pelikulang “The Revengers” na official entry ng Star Cinema ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. Makakasama niya rito siyempre ang anak na si Daniel, sina Vice Ganda at Pia Wurtzbach. Ayon kay Karla, kaaliw ang pelikulang ito at kaabang-abang talaga!
“Naku! Abangan din nila ang role ko rito sa movie. Maloloka sila!” aniya pa.
Isa pa sa ipinagpasalamat ni Karla nitong nakaraang kaarawan niya ay ang halos magdadalawang-taon nang pamamayagpag sa ere ng kanilang daily morning show na Magandang Buhay sa Kapamikya Network!
“Nakakataba ng puso ang suporta sa amin ng taong bayan sa amin nina Jolens at Melay! Lately lang, nagpunta kaming HongKong para mag-taping ng Magandang Buhay sa Disneyland. Marami pa. Marami pa kaming gagawin sa show at maraming salamat talaga sa lahat-lahat! Yun na Dom! Tama na!” bulalas pa nitong pagtatapos sa aming panayam!

Read more...