Pinirmahan ni Duterte ang appointment ni Abbas noong Nobyembre 22 kung saan tatagal ang kanyang termino hanggang Pebrero 2, 2022.
Itinalaga si Abbas bilang Commissioner ng Comelec noong 2015. Siya ay pamangkin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohagher Iqbal.
Si Abbas ang pinakabatang Comelec Chairman sa edad na 38. Siya ay nagtapos sa Ateneo de Davao University.
Matatandaang nagbitiw si Bautista matapos ang kontrobersiyang ipinukol sa kanya ng kanyang dating asawa kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth.
Sa kabila ng kanyang pagbibitiw, itinuloy pa rin ng Kamara ang impeachment laban sa kanya na lumusot sa Mababang Kapulungan, bagamat hindi na inakyat sa Senado.