Unang nagkaaberya ang isang tren alas-7:46 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero nito sa Ortigas station south bound.
Nagkaroon muli ng technical problem ang isa pang tren ng MRT alas-9:55 ng umaga sa Santolan station south bound.
Samantala, sinabi ni House committee on Metro Manila Development chairman Winston Castelo na dapat dagdagan ng MRT ang mga ginagawa nito upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
“Regardless of whether the recent decoupling of a train coach involved sabotage or not, the MRT should immediately do the necessary repairs to ensure public safety,” ani Castelo. “The spate of accidents and breakdowns, whether serious or not, should be taken as an indication that the MRT is already a tragedy waiting to happen.”
Ipinanukala naman ni Castelo kay Pangulong Duterte ang pagbuo sa isang top-level independent body na siyang titingin sa kalagayan ng MRT.
“Commuter safety is paramount. Should the MRT and the DOTr wait for a disaster to happen?” tanong ng solon. “They’ve been going on for far too long. They are signs not just of poor maintenance — but criminal negligence, unbridled corruption, colossal incompetence and utter absence of concern of MRT and DOTr officials, employees and their contractors and suppliers.”
Punto pa ni Castelo, mas matagal ng tumatakbo ang Light Rail Transit 1 kumpara sa MRT pero mas maayos ang serbisyo nito.
MOST READ
LATEST STORIES