Babae binaril ng lover, lalaki nagpakamatay

Nasawi ang 35-anyos na babae nang barilin ng kinakasamang lalaki, sa Tanza, Cavite, Martes ng gabi.
Matapos iyo’y nagpakamatay naman ang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.
Naganap ang insidente sa bahay ng mag-live in partner na si Roxanne Araga at Erwin Pacumio, 33, sa Brgy. Julugan 5, dakong alas-7:30.
Sinabi sa pulisya ng kanilang kapitbahay na nagtalo ang dalawa, at sa gitna noo’y binaril ni Pacumio ang babae.
Kasunod noo’y ipinutok din ni Pacumio ang baril sa kanyang ulo at agad na nasawi, ayon sa pulisya.
Inaalam pa ang umano’y pinagtalunan ng mag-live in partner at bakit mayroong baril si Pacumio.

Read more...