DEAR Ateng,
Help naman po. Matagal na po akong may gusto sa boss ko. Pero siyempre boss ko nga, di ko mapormahan.
Isa pa, wala akong maipagmamalaki sa kanya. Simpleng admin staff lang ako sa aming opisina ay siya naman po ang HR head namin.
Magkaedad lang po kami at magka-school mates po noong college. Although hindi kami friends noong college, magkakilala naman kami.
At kahit din maagkaedad Kkami at school mates pa, malaki rin ang agwat namin pagdating sa career. Hindi ko alam kung paano ko siya liligawan. Ayokong dumating ang pagkakataon na masabi ko sa sarili ko na siya ‘yung the one who got away.
Elmer, Makati City
Haayy, Elmer…
Gaya na nga nang sinabi mo sa iyong letter, ayaw mong dumating ‘yung panahon na manghinayang ka kasi di mo nasabi ‘yung feelings mo.
So, what are you waiting for? Go na, sabihin mo na! Keber na lang kung anong wala ka at meron siya. At least pag naipahayag mo ‘yang damdamin mo, hindi ka na manghihinayang, kahit mabasted ka pa! At least you tried, di ba?
At kapag nabasted ka dahil lang sa difference ng sweldo ninyo at title sa trabaho, at least alam mo nang she was never the “one who got away”.
Yung “the one who got away mo magiging “let it go” na.
Kung tutuusin, may advantage ka na nga dahil officemates kayo, magkaedad pa, schoolmates, so ituloy mo na. Unless na insecure kang lalaki at ayaw mong mas mataas o mas magaling si girl sa iyo, e di walang problema, ‘wag mo nang ligawan.
So go na, kuya, mag-old fashioned way ka ng panliligaw o kaya i-google mo, basta masabi mo feelings mo!
May problema ba sa puso, sa karelasyon,
pamilya, mag-text kay ateng Beth sa 09156414963, at tiyak na may sey siya tungkol diyan.