Rachel Peters nag-trending sa Miss Universe preliminaries

NAG-INGAY si Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters sa ginanap na preliminaries ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Balitang ang Pinay beauty queen ang nakatanggap ng pinakamalakas na palakpakan at sigawan nang rumampa na siya suot ang kanyang gown at two-piece bikini sa Planet Hollywood Las Vegas Resort & Casino sa Las Vegas kahapon.

Nag-trending ang Miss Universe walk ni Rachel na tinawag ng mga netizen na “Infinity Walk.” Suot ng dalaga ang gold column dress na nilikha ni Val Taguba during the evening gown competition.

Pinahanga rin ng Philippine candidate ang audience sa ginanap na swimsuit competition suot ang kanyang two-piece black bikini. Pagkatapos ng preliminaries, agad naging trending topic sa Twitter ang performance ni Rachel.

Sa lahat ng mga Pinoy all over the world, (the universe rather), pwede pa kayong bumoto online para sa ating kandidata at ang isa sa paraan ay sa pamamagitan ng pagtu-tweet using the hashtags #Philippines and #MissUniverse. Only 100 tweets with the hashtags will be counted per account per day.

Ang isa pang paraan ng pagboto kay Rachel ay sa pamamagitan ng Miss Universe’s online poll: https://www.missuniverse.com/voting. Tatagal hanggang sa Nov. 25 ang online voting.

Read more...