PAGKATAPOS ni Anne Curtis, another close friend ni Karylle ang susunod na ikakasal. And that’s none other than her best friend Iza Calzado who is now engaged sa kanyang British boyfriend na Ben Wintle.
For sure, bising-busy na si Iza sa pagpi-prepare for her wedding. Marami na ang excited na makita ang aktres na suot ang kanyang wedding gown. Siyempre after ng kasal, looking forward na rin ang kanyang fans sa kanyang pagbubuntis.
Feeling din namin, pagsasabayin ni Iza ang kanyang career at family life, sayang naman kasi kung iiwan niya ang pag-aartista kapag nag-asawa na siya.
Pero bago ‘yan, tuloy pa rin ang pagtanggap ng projects ng aktres. And one of which ay ang natatangi niyang pagganap bilang isang babaeng naging bilanggo ng pagkakataon at pilit na umahon sa pagkakasadlak sa mundo ng prostitusyon sa nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.
Gumanap bilang mister niya sa MMK si Gerald Madrid, batang Iza naman si Maris Racal, with Nonie Buencamino, Jairus Aquino, Maria Isabel Lopez, Soliman Cruz, Tom Olivar, Nor Domingo, Eagle Riggs at ang Charity Diva na si Token Lizares.
Nakatsikahan namin si Token over the phone at super excited siyang nagkwento about her experience sa first ever appearance niya sa programa ni Charo Santos.
Anak ni Token si Gerald na asawa ni Iza sa kwento na nagmula sa Negros. Sakto ang role kay Token dahil talaga namang from Bacolod City, Negors Occcidental ang singer-actress.
Siyempre, proud si Token sa kanyang paglabas sa MMK kaya naman na-feature din siya sa mga dyaryo sa Bacolod City.
Tuwang-tuwa raw ang kanyang mga anak na nasa Bacolod upon learning na lalabas siya sa MMK. Nag-promise naman lahat ng mga kamag-anak, kaibigan at kababayan niya especially ‘yung mga natulungan ni Token sa kanilang probinsya na tututukan ang nasabing episode ng programa.
Malaking karangalan naman para kay Token na makatrabaho si Iza pati na si Maris kahit tig-isang eksena lang siya with them. Thankful naman siya sa bumubuo ng drama anthology ng ABS at sa mabait nilang director na si Raz dela Torre.
Samantala, out na ang bagong album niyang music CD titled “Token Lizares: Till The World is Gone.” Ang “‘Till The World is Gone” din ang carrier single ng kanyang bagong album composed by Vehnee Saturno.
May limang tracks sa album at limang minus one para pwedenng sabayan ang kanyang kanta ng mga mahihilig mag-sing-along. Kasama rin sa album ang kantang “Ikaw ang Sasagot,” “Ganyan Ka Kamahal,” “One Life to Live,” at ang “Time Moves On” na mismong si Token ang sumulat.
Mabibili na ang kanyang CD sa lahat ng record bars at pwede ring i-download on Spotify, Amazon and iTunes.