Vice Ganda: Baka next year na ako na ang may-ari ng ABS-CBN! Choz!

PINATUNAYAN muli ni Vice Ganda ang pagiging Unkabogable Star hindi lang sa pagiging number one gay comedian sa bansa kundi pati na rin sa mundo ng social media.

Kamakailan ay umabot na nga sa 10 million ang followers ni Vice sa microblogging site na Twitter.

Itinuturing itong milestone sa socmed dahil napakahirap makakuha ng ganitong karaming followers.

Dahil dito, ang TV host-comedian na ang may hawak ng titulo bilang “most followed Filipino celebrity” sa Twitter.

Tinalbugan na ni Vice ang kanyang kaibigan at co-host sa noontime show na It’s Showtime na si Anne Curtis. Kailangan pang makakuha ng mahigit 500,000 followers si Anne para maabutan uli si Vice.

“Happy 10million Twitter followers! Kung lahat kayo bibili ng panindan kong lipstick baka next year ako na may ari ng ABS-CBN! Chozzz!” ang tweet naman ni Vice matapos magpasalamat sa lahat ng kanyang mga supporters.

Read more...